Lahat na lang ng tao dito sa mundo gustong umangat ang buhay dahil sa aking pagkakaintindi wala naman tao nangarap na maghirap.Nung ako ay bata pa pangarap ako makapunta ng maynila.Napagisip-isip ko habang tumatanda pala ay nagiiba na ang gusto.Ngayon ayaw ko na pumunta doon kung wala din lang sariling sasakyan.(Anong feeling?Mayaman?)Bukod sa hilong hilo ako ay talagang nakakapanlambot pa.Halos araw araw ako nasa Maynila nagaaply,hinahanap ang aking kapalaran.Maiba tayo ng pulong Ang pagaabroad ay napakahirap.Bakit ika nyo?abay mutaktakin mo ga naman nagsisimula ka pa laang magaaply ikaw ay pinagtsitsismisan na agad ng mga kapitbahay at may prediksyon pa ang mga tsismosa na di ka matutuloy.Gaanong kasakit noon at nakakapanghina ng loob. Di ka pa nakakaalis dami ng kontrabida. Gigising ng madaling araw at luluwas nga,.kainamang lamig ng tubig.Sa bus na lang itutuloy ang naudlot na tulog. Pagdating mo ng agency maaga pa madami ng tao nagaaply.Makakakilala ka ng ibat ibang tao may sosyal, may magmamagaling, may maarte mayabang etc. Hindi yata nila alam na parepareho lang naman ng gayat kaya wag na nila ako palundagin sa patag at nakaka alibarbar lamang. Maghapon pumila sa preliminary interview at pag pinalad aabutin ka pa ng hating gabi dahil nakasama ka sa final interview.Ang resulta tatawag ka pa sa agency.2 medical dito sa Pinas at pagkadating mo abroad medical na naman.Napakaraming proseso may PDOS pa. At di pa dyan nagtatapos ang pakikipagsapalaran kaya huwag munang magdiwang at ikay makakasakay na sa wakas sa eroplano na economy.Simula pa lang yan ng hirap kung baga nasa step two ka na.
Unang araw sa abroad ay ano gang lungkot!Ni hindi makatawa hindi makakain abay namamalayan mo na lang na para kang naluluka basta na lang papatak ang luha.At sabay tanong bakit ga kailangan ko pa magabroad?Marami sagot dyan pero wag na natin isa isahin.
Kakaibang mundo lahat bago.Pati toothbrush bago.. =D
Ang kapansin pansin lamang ay ang pagluluka lukahan ng mga babae at ang mga lalaki halos lahat ang pakilala silay binata. Nakaka adwang tingnan dahil nagyayabang pa ay kitang kita naman sa hitsura.Kung malalaman lamang dito ng kanilang pamilya ay tiyak kong maririmarim ang kanilang mga kaanak...
Lahat ng nangaapak at nanakit ay may kaparusahan.Kungbaga nagsasaya at tumatawa sila dati ngayon napakalungkot ng kanilang buhay. Kung pwede ako naman ang tumawa huwag na lang.Awa ang nararamdaman ko sa kanila.May tenga talaga ang langit.
Hindi naman lahat ay masama may maganda din sa pagaabroad depende na lang kung paano mo tatanggapin ang sitwasyon. Basta gawin mo ay tama,na di ka kailangan mangaapak ng tao. Kung ayaw mo tumulong di ka pinipilit,huwag ka ng epal pabayaan mo sya at wag kang makisawsaw.Gets mo?